Naglabas na ang World Health Organization, kamakailan ng report na sinasabing ang pagkain ng processed meat ay nagbibigay ng malaking tsansa na magkaroon ng cancer ang isang tao.
Ayon sa research, ang pagkain ng bacon, hotdog, humburger, at pati na ang mga pagkaing delata ay masama sa kalusugan. Ang pagkakaroon ng cancer ay katumbas na rin tulad ng proseso ng pagsisigarilyo na unti-unti kang dadalhin sa hukay ng kamatayan.
Kahit noon pa man sa pag-aaral, napatunayan na hindi maganda sa ating katawan ang processed meat dahil sa ginagamit na chemicals, asin, at iba pang preservatives upang tumagal ang shelf life ng mga produkto ng sausages, corned beef, bacon, at iba pa na siyang nagpapahina at pumapatay sa mga good cells sa ating katawan. Kaya pinapaalalahan ang lahat, na bawas ang processed meat, sa halip ay sariwang gulay at isda na lang ang kainin.