Ang ating utak ay parang katawan na puwedeng sanayin para mag-perform nang higit pa sa ating inaasahan. Ang tawag sa hand yoga na tutulong upang gumaling ang memorya, matanggal ang pagiging makakalimutin, gumaling ang concentration, at maging matalino ay Hakini Mudra.
Gayahin lang ang posing ng kamay sa larawan. Habang naka-Hakini Mudra, idikit mo ang iyong dila sa ngala-ngala. Dahan-dahang mag-inhale at exhale. Gawin ito ng 45 minutes araw-araw o 15 minutes sa umaga, tanghali, at gabi. Puwedeng gawin habang nanonood ng TV. Halimbawa ay may pilit kang inaalala, mag-Hakini Mudra upang maalaala mo kung ano ito.