Hindi lahat ng talunan ay bigo

Hindi lahat ng sinasabing loser ay talunan sa buhay. Maraming dakilang tao at lingkod ng Dios tulad nina Jack Hyles, John Rice, at Billy Sunday  na iniwan ang kaway ng kasikatan, pera, trabaho, edukasyon, at magandang buhay.  Sinasabing talunan sila sa materyal na bagay sa mundong ito dahilan sa isinuko ang kanilang buhay para ma­ngaral ng Salita ng Dios.

Tinawag silang mangmang sa harap ng tao dahil sa pagtalikod sa maganda at karangyaang buhay. Madalas silang pagtawanan at kutyain ng mga tao sa ginawa nilang pagbahay-bahay at pangangaral ng Ebanghelyo.

Ngunit nakasumpong sila ng tagumpay at buhay sa mga kaluluwang nadala nila sa paanan ng Panginoon. Sa kanilang pananampalata, alam nila ang buhay nila ay hindi nasayang sa kanilang paglilingkod at may kayamanang naghihintay sa langit na hindi kumukupas.

Show comments