Dear Vanezza,
I’m 30 & still single dahil sa love story ko na naging hate story. Masyadong bitter ang karanasan ko sa pakikipag-boyfriend. Tatlo ang naging bf ko at pare-pareho silang salawahan at two-timer. Sa una at ikalawang bf ko naibigay ang aking pagkababae. Pero matapos nila akong matikman ay nilayuan na nila ako. Naging maingat na ako sa sumunod kong bf. Nakikipag-date ako pero may limit. Hindi ko isinusuko sa kanya ang isang bagay dahil ayoko ng mabigo tulad ng dati. Sa kabila nito ay hindi rin siya iba sa mga nauna kong nobyo. Natuklasan kong may asawa’t anak pala siya. Isa siyang sinungaling dahil ang pakilala niya sa akin ay binata siya. Mula noon ay ayoko ng mag-entertain ng suitors. Itinuturing ko silang mga buwisit sa buhay ko. May persistent suitor ako ngayon pero kahit na anong taboy ko ay walang tigil sa panunuyo. Nakukulitan na ako sa kanya pero habang nagtatagal tila lumalambot ang puso ko pero ayoko na talagang makipag-relasyon. Ano ang gagawin ko?
Sagot:
Talagang dapat ka nang matuto sa mga naging karanasan mo sa pag-ibig. Pero hindi dapat huminto sa pag-ikot ang iyong mundo dahil lang sa ilang kabiguan. Huwag mo ring kasuklaman ang lahat ng lalaki dahil mayroon pa ring natitirang mabubuti. Ang dapat ay maging mapagsuri ka sa pag-uugali ng tao at hindi lang sa panlabas na anyo.
When you love, don’t give everything and put your suitors to a test para malaman mo kung sino ang tapat at karapatdapat mong mahalin.
Sumasaiyo,
Vanezza