80--Ibabad muna ang barbecue sticks sa tubig ng 30 minutes bago gamitin upang hindi ito masunog kapag nag-iihaw na.
81--Kapag tinutuhog na ang pira-pirasong karne, pagdikit-dikitin ito at huwag maglalagay ng space sa stick.
82--Mas mataas ang sweetening power ng honey kaysa sugar kaya kung sa pagluluto ay nais mong gumamit ng honey bilang substitute ng sugar: Ang dami ng honey ay 50 percent lang ng required amount of sugar. Halimbawa, sa original recipe ay 2 kutsarang asukal. Kung honey ang gagamitin, isang kutsara lang ang kakailanganin mo.
83--Mas masustansiya ang Romaine lettuce kaysa iceberg lettuce.
84--Ang vitamin C ay madaling matanggal kapag niluluto kaya ang mga gulay na mayaman sa vitamin C ay dapat na sandali lang lulutuin.
85—Paano tetestingin kung may power pa ang baking powder? Kumuha ng isang kutsaritang baking powder. Ihalo sa mainit na tubig. Kung kumulo ito at nagkaroon ng maraming bubbles, may power pa ito at puwede pang gamitin. (Itutuloy)