1—Maglakad ng 30 minuto araw-araw.
2—Dahan-dahang mag-inhale at exhale sa loob ng 5 minuto sa umaga at gabi. Hugutin ang hininga sa tiyan. Sa ganitong paraan, napapakawalan ang tensiyon na naiipon sa loob ng katawan.
3—Regular na kumain ng mayaman sa potassium kagaya ng kamote, kamatis, orange juice, patatas, saging, kidney beans, peas, cantaloupe, honeydew melon, at dried fruits kagaya ng prunes at raisins.
4—Iwasan ang maaalat na pagkain.
5—Decaffeinated coffee ang inumin kung hindi kayang itigil ang pag-inom ng kape.
6—Magpahinga pagkatapos ng 6-8 oras na pagtatrabaho kada araw.
7—Makinig ng paborito mong musika sa loob ng 30 minuto araw-araw.
8—Mas sobra ang timbang, mas lalong tumataas ang blood pressure. Magbawas ng at least 10 pounds.
9—Itigil ang Paninigarilyo.
10—Iwasang ma-stress. Chill. Lawakan ang pang-unawa, habaan ang pasensiya. Mabilis sabihin, mahirap gawin. Para magawa mo, isang tanong lang ang ibigay mo sa iyong sarili—habaan ang pasensiya o stroke?