Alam n’yo ba?

Nahalal na pangulo si Emilo Aguinaldo, panga­lawang pangulo si Mariano Trias, samantalang si Andres Bonifacio ang nahalal na kalihim ng interior. Ang pagkahalal kay Bonifacio ay tinutulan ni Daniel Tirona, kasapi ng Magdalo, dahil sa wala raw sapat na kakayahan si Bonifacio. Nagalit si Bonifacio. Sinabi ni Bonifacio, na hindi sumusunod sa napagkasunduan si Tirona na sinumang maibotong opisyal ay dapat kila­lanin, edukado man o ‘di edukado. Dahil doon, hindi kinilala ni Bonifacio ang pamahalaang itinatag sa pulong na ito.

Show comments