Marami ang dahilan ng pagkakaroon ng balakubak: yeast allergy, dry skin, heart diseases, strokes, seborrhoeic dermatitis, at Parkinson’s diseases. Puwede rin ang dahilan ay stress at kakulangan sa sustansiya, partikular sa zinc at fats.
Maraming natural na paraan upang malunasan ang balakubak. Piliin lang sa mga sumusunod ang sa akala mo ay madaling gawin:
Paminta at Yogurt: Paghaluin ang 2 teaspoon white pepper powder (black pepper kung wala) at one cup yogurt. Imasahe sa ulo. Ibabad ng isang oras. Banlawan. Mag-shampoo. Ang yogurt at paminta ay parehong anti-fungal agent na pumipigil sa pagkapal ng balakubak.
Olive Oil: Nagsisilbing moisturizer sa anit na pumipigil sa pagdami ng balakubak. Mainam na ipainit ang olive oil. Habang maligamgam, imasahe ito sa ulo. Ibabad ng 15 minuto o magdamag.
Baking Soda: Bumawas ng sapat na dami ng shampoo para sa isang gamitan. Haluan ito ng one teaspoon baking soda. Haluing mabuti. Ito ang gamitin sa pagsa-shampoo. Imasaheng mabuti sa anit. Banlawan. Mag-shampoo.
Mansanas: Sa pamamagitan ng juicer, pigain ang tatlong pirasong mansanas. Dagdagan ng tubig kung inaakala mong kulang ang juice na napiga para sa iyong ulo. Ito ang imasahe sa anit. Ibabad ng 10 minutes. Mag-shampoo. May phenolase enzyme ang mansanas na nagtatanggal ng balakubak.