^

Para Malibang

Natural Remedy sa Balakubak

ABH - Pang-masa

Marami ang dahilan ng pagkakaroon ng balakubak: yeast allergy, dry skin, heart diseases, strokes, seborrhoeic dermatitis, at Parkinson’s diseases. Puwede rin ang dahilan ay stress at kakulangan sa sustansiya, partikular sa zinc at fats.

Maraming natural na paraan upang malunasan ang balakubak. Piliin lang sa mga sumusunod ang sa akala mo ay madaling gawin:

Paminta at Yogurt: Paghaluin ang 2 teaspoon white pepper powder (black pepper kung wala) at one cup yogurt. Imasahe sa ulo. Ibabad ng isang oras. Banlawan. Mag-shampoo. Ang yogurt at paminta ay parehong anti-fungal agent na pumipigil sa pagkapal ng balakubak.

Olive Oil: Nagsisilbing moisturizer sa anit na pumipigil sa pagdami ng balakubak. Mainam na ipainit ang olive oil. Habang maligamgam, imasahe ito sa ulo. Ibabad ng 15 minuto o magdamag.

Baking Soda: Bumawas ng sapat na dami ng shampoo para sa isang gamitan. Haluan  ito ng one teaspoon baking soda. Haluing mabuti. Ito ang gamitin sa pagsa-shampoo. Imasaheng mabuti sa anit. Banlawan. Mag-shampoo.

Mansanas: Sa pamamagitan ng juicer, pigain ang tatlong pirasong mansanas. Dagdagan ng tubig kung inaakala mong kulang ang juice na napiga para sa iyong ulo. Ito ang imasahe sa anit. Ibabad ng 10 minutes. Mag-shampoo. May phenolase enzyme ang mansanas na nagtatanggal ng balakubak.

ANG

BAKING SODA

BANLAWAN

BUMAWAS

DAGDAGAN

HABANG

HALUAN

IBABAD

ITO

OLIVE OIL

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with