Paano ma-overcome ang pagkamahiyain?

Ang pagiging mahiyain ay hindi naman talaga problema. Kailangan lang  ng warm up sa bagong kakilala sa ilang sitwasyon.  Minsan ang pagiging mahiyain ay sagabal sa ibang tao para maging komportable o sociable. May mga tips para ma-overcome ang nararamdamang hiya: 

Kakilala- Simulan muna makipag-usap sa kakilala.   Sa ganitong paraan masasanay na magkaroon ng social behavior.  Paganahin ang eye contact sa kausap, i-feel ang confident body language. Umpisahan sa pagtatanong at mag-imbita sa taong komportable ka. Huwag kalimutang ngumiti. Sa maliit na hakbang nagkakaroon ka ng tiwala sa iyong sarili. Pagkatapos ay subukan naman gawin ito sa bagong kakilala o kaibigan.

Topic – Ang pinakamahirap na bahagi ay ang simula ng pag-uusap. Mas madali kung ipakilala mo muna ang iyong sarili. Ang pagbibigay ng compliment o magandang komento sa kanyang suot na damit, sapatos, o bag ay puwede nang breaker sa umpisa ng usapan. Mag-isip ng topic na puwede ninyong pagkuwentuhan na depende sa sitwasyon. Mas magaan kung meron kayong common na gustong pag-usapan.

Rehearse – Para mawala ang hiya, sanayin muna kung ano ang sasabihin sa isang phone call o conversation sa ibang tao. Isulat ang gusto mong sabihin bago muna humarap. Reherse mo ito sa harap ng salamin. Huwag mag-alala kung hindi mo masasabi ang lahat nang na-practice mo.

Interest – Bigyan ang sarili na pagkakataon na makihalubilo sa ibang tao at kilalanin sila ng dahan-dahan. Maghanap ng pareho mong interest. Iwasan magkaroon ng self-cricisim, mas malamang na tatanggapin ka ng ibang tao. Maging positive sa pag-iisip sa halip na maging negatibo sa iyong sarili.

 

 

Show comments