Ang epektibong team leader ay maraming magagandang katangian para mahatak niya ang kanyang mga members. Karaniwan ang team leader ay magagandang qualities tulad ng pagkakaroon ng compassion, intergrity, na puwede ring matutunan ang mga leadership skills sa isang formal training at experience. Kapag ang namumuno ay nai-inspire ang kanyang sinasakupan, madaling na rin nitong makuha ang tiwala at respeto sa production sa kanyang workplace. Ilan sa dapat matutunan ng mabuting leader ay ang mga sumusunod:
Communication – Mahalaga sa pagiging leader ang kahusayan nito sa verbal at written communication skills, na mas madali niyang maibabahagi ang gusto niyang sabihin na maintindihan ng kanyang mga members. Dapat ding marunong makinig sa mga input o opinion ng iba ang namumuno.
Organization – Makatutulong kung mahusay magplano ng kanyang objective at strategies, na pinapayagan din niya ang team members na kumilos sa kanilang gagawin. Ang kahusayan nito sa pagpapalakad ay dapat may maayos na sistema upang maintain ang peace, order, at guidelines sa kompanya.
Respeto – Ang respetadong leader ay nakapagbibigay ng magandang hamon at ang kanyang desisyon ay may epekto sa mga members na iginagalang at pinaniniwalaan ng lahat. Ang respeto ay nakukuha kung ito ay pinagtatrabahuhan ng may dignidad at katapat na hindi basta-basta hinihingi ang paggalang sa kanyang posisyon.