1. Ang sobrang asukal sa katawan ay kasingsama ng paninigarilyo. Ayon sa mga researchers ng University of California, ang epekto ng sobrang pagkain ng matamis ay kagaya ng epekto ng sobrang pag-inom ng alak at sigarilyo sa katawan.
2. Ang isang oras na karagdagan sa pagtulog ay makapagpapaligaya sa iyo. Ayon sa resulta ng pag-aaral na isinagawa ng psychologist na si Daniel Kahneman, ang one hour extra sleep per night ay mas makapagdudulot sa iyo ng masayang kalooban kagaya ng saya na naidudulot ng pagkakaroon ng maraming pera o colorful lovelife.
3. Ang exercise ay hindi nakapagpapayat. Ayon sa British Journal of Sports Medicine, papayat ka lang kung ang pag-eehersisyo ay sasamahan ng dietary changes sa tulong ng lisensiyadong dietician.
4. Ang chewing gum ay nakapagpapagising ng utak. Ayon sa mga researchers ng Coventry University, ang pagnguya ng chewing mint-flavored gum ay nakakabawas ng pagod at panlalata.
5. Ang kape ay nakatatanggal ng depresyon. Sa resulta ng pag-aaral na ginawa ng Harvard School of Public Health, ang mga babaeng umiinom ng 2-4 na tasa ng kape per day ay nababawasan ang depresyon ng 20 percent kaya mas malayo ang tsansang magsuicide sila.
6. Ang stretching o warm-up bago tumakbo ay lalong nakapagpababa ng endurance ayon sa Journal of Strength and Conditioning Research. Kaya mas mabuti pang dumiretso na lang sa pagtakbo.