Orihinal na Santa Claus nagmula sa Netherlands!

Ilang araw na lang at Pasko na! Maglalabasan na naman ang mga Santa Claus na mamimigay ng mga regalo sa mga batang mababait at masunurin sa mga magulang.

Pero alam n’yo ba na si Santa Claus ay base kay Sinterklass ng Netherlands? Si Sinterklass ay mula sa iba’t ibang myth, legends, history, at folklore tungkol kay Saint Nicholas.

Kung si Santa Claus ay lumalabas tuwing Kapaskuhan (Disyembre 25), ang isa sa mga popular na ipinagdiriwang sa Netherlands ay ang Sinterklass Day (Disyembre 6), pero nagsisimula itong iselebra tuwing bisperas (Disyembre 5) ng kanyang kaarawan.

Karaniwang inihahanda sa okasyong ito ang “beschuit met muisjes”, isang uri ng Dutch biscuit na may sugar-coated anise seeds.

 

Show comments