Alam n’yo ba?

Hindi man mataas ang pinag-aralan ni Andres Bonifacio, matalas naman ang kanyang pakiramdam sa mga pangyayari. Naramdaman niya na hindi kailaman pagbibigyan ng Espanya ang hinihiling na pagbabago ng mga Pilipino. Ang kailangan ay ang sandatahang panghimagsikan upang makamit ang kalayaan.

Marami ang naakit ng mga panulat nina Bonifacio at Emilio Jacinto. Nabuksan ang isipan ng mga Pilipino sa kanilang karapatan sa tungkulin sa bayan.  Lumaganap ang katipunan sa mga lalawigan ng Bulacan, Batangas, Cavite, Nueva Ecija, Pampanga, at Laguna. Malaki ang nagawa ng pahayagan na “Kalayaan” sa paghahanda sa mga Pilipino sa kanilang pakikibaka laban sa pamamahala ng mga Kastila.

Show comments