^

Para Malibang

Mission possible sa paninigarilyo

Pang-masa

May mga game plan na pagpipilian para maputol na ang addiction o hilig sa paninigarilyo na sasagot sa iyong pangangailangan:

Date : Pumili ng date at mag-set ng dalawang linggo, ito ay magiging sapat para mapaghandaan na hindi mawawala ang motibo sa desisyon mong pagtigil sa paninigarilyo.

Support – Ipaalam sa iyong pamilya ang plano mong pagku-quit na manigarilyo at sabihin sa kanila na kailangan mo ang kanilang suporta at paalala para lalong lumakas ang loob mo sa iyong misyon.  Maghanap din ng kaibigan o kasama na gusto na ring tumigil sa paninigarilyo. Magkakatulungan kayong harapin  ang  mahirap na proseso sa inyong pagdaraanan.

Plano – Maraming indibiduwal ang bumabalik sa paninigarilyo pagkatapos ng tatlong buwan. Matutulungan ang sarili kung paghahandaang harapin ang hamon, lalo na sa pag-iwas ng nicotine at nagki-crave kang humithit.

Itapon – Ilagay mo na sa basurahan ang lahat ng sigarilyo kahit ang itinatago mong emergency pack, lighter, ashtrays, at posporo. Labhan din ang damit o ibang gamit na nangangamoy sigarilyo. Linisin din ang loob ng iyong kotse o sasakyan,  pati ang loob ng iyong bahay o kuwarto na maamoy ang cigarette.

Tulong – Kausapin ang iyong doctor at manghingi ng prescribe medication o alternatibo na makatutulong sa pag-iwas  ng sigarilyo. Maraming produkto na over the counter, pharmacy, grocery store, kasama na ang nicotine candy o gum na panghalili sa pagki-crave mong sigarilyo.

Malaking bagay din kung magkakaroon ka ng sariling journal para maisulat ang date kung kailangan ka tumigil ng paninigarilyo. Pati  na rin ang  mga sitwasyon, activities, kaibigan, at  pamilya na makatutulong na labanan ang misyong pag-quit sa paninigarilyo.

ALIGN

ANG

ILAGAY

IPAALAM

ITAPON

IYONG

LEFT

MARAMING

NBSP

QUOT

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with