^

Para Malibang

Diaper Rash ni Baby

ABH - Pang-masa

Ang sintomas ng diaper rash ay sobrang pamumula sa ‘nappy area’ na may kasamang butlig. Ang nappy area ay  lugar na natatakpan ng lampin—private part, singit, puwet. Kung malala, ang private part ni Baby ay medyo namamaga at mainit-init kapag hinawakan. Idagdag pa dito na umiiyak siya kapag sinusuotan ng lampin.

Pahiran ng sesame oil ang lugar na may diaper rash. Napatunayan sa pag-aaral na ginawa sa China sa 80 sanggol, mas epektibong panlunas ang sesame oil kaysa popular brand na diaper cream. Ang sesame oil ay mayroon demulcent at antibacterial properties para matanggal ang hapdi, pangangati at pamamaga dulot ng rashes.

Tips para maiwasan ang diaper rash:

1) Palitan ng lampin si Baby tuwing ikatlong oras o tuwing naiihian niya ang lampin.

2) Hugasan ng maligam na tubig ang kanyang private part tuwing magpapalit ng lampin. Dahan-dahan ang paglilinis gamit ang bulak o malinis mong kamay. Tuyuin ang nappy area bago isuot ang bagong lampin.

3) Mag-breastfeeding upang si Baby ay tumaas ang immunity. Kung malakas ang kanyang naturalesa, maliit lang ang kanyang tsansa na magkaroon ng rashes.

 

ANG

AREA

BABY

DAHAN

HUGASAN

IDAGDAG

LAMPIN

NAPATUNAYAN

PAHIRAN

PALITAN

TUYUIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with