Paano mabubura ang masamang imahe ng Pilipinas dahil sa laglag-bala?

*Ang tagal naman kumilos ni PNOY sa laglag bala isyu na yan. Dapat nagpapapogi points agad sila. Nakakahiya na ang ‘Pinas lahat tuloy damay. – Beth, Batangas 

*Kailangan natin ng isang katulad ni Duterte para ipakain sa kanila ang bala. - Chie, San Miguel

*Palitan mo man ng paulit-ulit ang mga officials hanggang security at pulis sa NAIA babalik-balik din ang problema. Hanggang merong Christian  ang maninindigan ng tama sa kanyang trabaho magiging maayos ang takbo ng sistema. – Joi,  Marikina

*Tutal naman nasa proseso na ang imbestigasyon ng laglag-bala, huwag na lang masyadong i-link sa media. Kapag may maganda nang resulta ay saka na lang ilabas. Para ipakita sa buong mundo na may ginagawang solusyon ang goberno. – Lucy, Mindoro

*Parusahan na kasi agad nang matapos na ang masamang imahe. Ipakita rin ang ibang magagandang balita sa NAIA. Dapat mag-isip ang PR Dept. ng NAIA na pagandahin ang pangalan ng ating paliparan. – Coks, Manila

Show comments