Ikaw man ay matagal nang nagsisigarilyo o isang pack-a-day smoker, mahirap tumigil agad sa nakagawiang bisyo. Mas marami malalamang option kung paano magsimulang mag-quit, mas madali rin ang proseso ng pagtigil sa paninigarilyo.
Ang paghithit ng tobacco ay isang physical na addiction at psychological habit. Mula sa nicotine sa paninigarilyo ay nagbibigay ito ng pansamantalang high. Kapag pumasok sa katawan ng tao ang nicotine nagkakaroon ito ng epekto sa utak at kalusugan. Isang way din ng ibang tao ang paghithit ng stick ng sigarilyo ay para labanan ang stress, depression, boredom, at anxiety. Ginagawa ring rituwal ang paghawak ng stick araw-araw. Automatic itong hawak sa iyong morning coffee, habang nagbi-break time sa office o eskuwelahan, kahit sa pagbibiyahe mula sa maghapong trabaho ay may sigarilyo sa kamay mo. Para malampasan ang pagki-crave sa paninigarilyo ay dapat magkaroon ng plano para ma-track ang iyong bisyo. Ang magandang plano ay mayroong short o long term na kahaharaping hamon na tugma sa partikular na pangangailangan.
Makatutulong sa plano kung mag-iisip muna na sagutin ang mga sumusunod na tanong: Kailangan mo bang magsigarilyo sa bawat meal? Ikaw ba ay social smoker? Kapag mahigit sa isang pack a day ang hinihithit mo, masamang addiction na ito. Hinahanap mo ba ang sigarilyo kapag ikaw ay nalulungkot o nai-stress? Ang paninigarilyo mo ba ay may ibang halong addiction tulad ng pag-iinom o pagsusugal? Bukas ka ba sa hyponotherapy o acupuncture? Ikaw ba ay madaling magsabi ng iyong addiction sa therapist, counselor, o doktor? Interesado ka bang pumasok sa fitness program para matigil dahan-dahan ang iyong bisyo?
Ilan lamang itong katanungan na dapat munang bigyan ng sagot sa pagsisimula na hakbang sa pagtigil ng iyong smoking habit.