Itinatago ang anak sa pagkadalaga
Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Evie, solo parent, 29 years old. May anak ako sa pagkadalaga. Masyado akong liberated noon at rebellious sa aking mga magulang. Istrikto kasi sila. Hindi ko naman talaga love yung nakabuntis sa akin pero hindi ko maintindihan ang takbo ng isip ko noon. Nang mabuntis ako ay pinalayas ako sa amin. Mabuti’t new graduate ako noon at nakatapos ng kursong Accounting kaya madali akong nakahanap ng tabaho. Sa tulong ng isang friend ay nakapamuhay kami ng anak ko at mag-isa kong itinaguyod ang pagpapaaral sa kanya. 8 years old na siya ngayon. Ngayon ay may lumiligaw sa akin. Hindi pa niya alam na may anak ako sa pagkadalaga. Naguguluhan ako. Hindi ko masabi ang totoo dahil baka ayawan niya ako. Ano ang mabuti kong gawin?
Dear Evie,
Pinakamabuti na sabihin mo sa kanya ang lahat. Hindi mo ito dapat ilihim. Posibleng umayaw siya pero maaari rin namang tanggapin ka niya sa kabila ng lahat. D’yan mo masusukat kung talagang tapat ang pag-ibig n’ya sa’yo. Maging lesson din sa iyo na huwag padalus-dalos sa mga desisyon sa buhay lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa pakikipagrelasyon.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest