Paano maging responsable ang bata?

Ang magulang ay dapat nagsisilbing model at nagtuturo ng skills sa mga anak na lumaking maging competent na kayang harapin ang hamon ng buhay. Nagsisimula ito sa simpleng gawaing bahay sa  ating pamilya. Narito ang ibang ideya na maituturo sa bata:

Determinado – Imbes na maasar sa problema, turuan ang bata na i-analzye ang sitwasyon at mag-isip ng dapat gawin. Karamihan sa problema ay puwedeng mabigyan ng solusyon o ihingi ng tulong sa iba. Mag-set ng example na ikaw mismo ay hindi madaling sumuko at mayroong figting spirit sa pagharap ng problema. Sa halip na mapikon, harapin ang sitwasyon na may kasiyahan.

Practice – Hindi naman agad-agad sa isang iglap matututo ang bata.  Sa simpleng pag-aayos ng nasirang laruan, sa pag-set ng table bago kumain, pag-iipon muna kapag bibili ng bagong sneakers. Steps by steps ay turuan siyang gawin ang isang bagay sa kanyang sarili. Mas madali nilang makukuha ang ideya kung ipapanood sa kanya ang mga ginagawa mo ng paulit-ulit.

Tulong – Ituro sa bata na isang wise decision ang paghingi nila ng tulong. Ipaliwanag na minsan kailangan natin ang tulong ng doctor at mekaniko sa partikular na bagay at sitwasyon dahil sila ang mas nakakaalam ng dapat gawin.

 

Show comments