Marami kompanya ay dinidiktahan ng batas sa pagpapatakbo ng negosyo. May kanya-kanya ring code of ethics ang bawat kompanya. Habang tumataas ang standard ng kompanya napa-practice rin sa mga workers ang mataas na pamantayan sa mundo ng negosyo.
Sa pakikiharap sa mga empleyado at customers ang pagiging matapat ay malakas na pondasyon ng isang kompanya. Inaasahan sa kahit anong business ang katapatan ay hinihingi sa pakikitungo sa negosasyon. Kapag nabahiran ng pandaraya o anomalya ay nababalian ang organisasyon. Ang pagpapakita ng katapatan ay nagbubukas sa mga empleyado sa kanilang tungkulin at kakayahang tuparin ang kanilang mga pangako sa kanilang customer.