Pansinin mo kung paano napupudpod ang suwelas ng iyong sapatos o kahit anong footwear na iyong pag-aari. Ang lokasyon kung saang bahagi napudpod ang suwelas ay nagsasaad kung ano ang iyong ugali.
Pudpod sa bandang kalingkingan (little toe): Hindi ugaling magmukmok kapag may problema dahil ginagamit niya ang oras sa paghahanap ng solusyon sa kanyang problema. Bibo at hindi nagpapatumpik-tumpik sa pagtanggap ng oportunidad na biglaang darating sa kanya.