Batad, Banaue, Ifugao
Sampung oras na biyahe sa bus ang gugugulin bago marating ang isang paraisong hindi na bago sa katimugang bahagi ng Luzon, ang Banaue sa probinsya ng Ifugao.
Isang oras pa mula sa Banaue ay mararating na ang Batad village na siya ring kinalalagyan ng napakasikat na Banaue Rice Terraces.
Kilala ang Rice Terraces sa buong mundo na minsan ding tinawag na Eight Wonder of the World.
Matarik at makitid ang daan papuntang Batad, ‘pag narating na ang nasabing lugar ay maraming inns (matutuluyan) ang mapagpipilian sa murang halaga.
Hindi uso ang aircon sa lugar dahil sa natural na malamig na klima nito.
Marami ang pwedeng gawin dito at hindi mo maiisip na kalikutin ang iyong gadgets dahil sa napakahinang signal sa Batad, ilagay sa to-do lists ang paglalakad sa paligid ng Rice Terraces, pagsakay ng kabayo, magpahinga sa native Ifugao na kubo habang umiinom ng buko, tikman ang native rice wine, magliwaliw sa Tappiya falls, umakyat sa Awa View Deck para sa 360 degrees view ng buong Rice Terraces, bumili ng mga lokal na produkto ng Banaue, at higit sa lahat, i-appreciate ang mga nalalabing ganda ng kalikasan.
- Latest