Hindi lang ang ilong ni Pinocchio ang humahaba para malaman kung nagsisinungaling ang isang tao. Maraming tips ang mga experts na itinuturo para ma-detect kung hindi nagsasabi ng totoo ang kausap mo:
Boses – Karaniwan nagbabago ang tono ng boses nito. Sa una, natural lang kanyang tono hanggang sa bumibilis na ang kanyang pagsasalita; mula kalmado tapos nagiging masigla malamang hindi ito nagsasabi ng totoo. Sa sobrang kaba at nerbyos ay napapabilis din ang kanyang pagsasalita na hinahanapan niya ng sagot sa kanyang utak.
Ako – Sa research, iniiwasan ng taong nagsisinungaling banggitin ang salitang “ako” o “I and me”. Laging third person ang tinutukoy niya at hindi isinasali ang kanyang sarili.
Memoryado – Kapag tinatanong mo naman, may sagot at paliwanag sa lahat ng tinatanong mo sa kanya. Dahil na-rehears na niya ang sasabihin niya sa iyo.
Guilty – Hindi rin ito mapakali sa kanyang pagkakaupo o sa isang puwesto. Panay din ang punas ng kanyang eye glasses, basta nagkakalikot ng isang bagay. Ang isang taong guilty ay nakararanas ng anxiety kaya siya naglilikot ng kung anu-anong bagay sa katawan o sa mahahawakan niya.
Nanunumpa - Pinagpipilitan din ng tao na honest siya, kaya may pasumpa-sumpa pa ito at peksman para makumbinsing hindi siya nagsisinungaling.