^

Para Malibang

Paano malalaman kung nagsisinungaling?

Pang-masa

Hindi lang ang ilong ni Pinocchio ang humahaba para malaman kung nagsisinungaling ang isang tao.  Maraming tips ang mga experts na itinuturo para ma-detect  kung hindi nagsasabi ng totoo ang kausap mo:

Boses – Karaniwan nagbabago ang tono ng boses nito.  Sa una, natural lang kanyang tono hanggang sa bumibilis na ang kanyang pagsasalita; mula kalmado tapos nagi­ging masigla malamang hindi ito nagsasabi ng totoo. Sa sobrang kaba at nerbyos ay napapabilis din ang kanyang pagsasalita na hinahanapan niya ng sagot sa kanyang utak.

Ako – Sa research, iniiwasan ng taong nagsisinungaling banggitin ang salitang “ako” o “I and me”. Laging third person  ang tinutukoy niya at hindi isinasali ang kanyang sarili.

Memoryado – Kapag tinatanong mo naman,  may sagot at paliwanag sa lahat ng tinatanong mo sa kanya. Dahil na-rehears na niya ang sasabihin niya sa iyo.

Guilty – Hindi rin ito mapakali sa kanyang pagkakaupo o sa isang puwesto. Panay din ang punas ng kanyang eye glasses, basta nagkakalikot ng isang bagay. Ang isang taong guilty ay nakararanas ng anxiety kaya siya naglilikot ng kung anu-anong bagay sa katawan o sa mahahawakan niya.

Nanunumpa - Pinagpipilitan din ng tao na honest siya, kaya may pasumpa-sumpa pa ito at peksman para makumbinsing hindi siya nagsisinungaling.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

HINDI

KANYANG

KAPAG

KARANIWAN

LAGING

MARAMING

MEMORYADO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with