Suwerte o malas?
Dear Vanezza,
Sumulat po ako dahil gusto kong malaman kung ano ang kapalaran ko. Tatama po ba ako sa lotto? Matagal na akong tumataya, siguro’y mahigit 20 taon na pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong suwerte. Kahit man lang palit-tiket ay hindi ko matiyempuhan. Sa ngayon po ay wala akong trabaho. Ako po ba ay sadyang malas o talaga lang wala akong suwerte? - Angel
Dear Angel,
Ang lotto ay game of chance, ibig sabihin suwertihan. Meron ding inabot ng kung ilang taon bago sila pinalad. Pero ang kapalaran o suwerte ng tao ay hindi dapat iasa sa pagtaya ng lotto o sa anumang sugal. Maaari ka namang humanap ng ibang pagkakakitaan. Sabayan mo rin ng pagsisikap upang umunlad ang iyong buhay. Walang taong malas. Basta’t may sipag at tiyaga ikaw ay magtatagumpay. Higit sa lahat, manalangin ka sa Dios na magkaroon ka ng maayos na trabaho at buhay.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest