Vacation o sick leave?

Ang isa pang pagpapakita ng positive work ethic ng empleyado ay ang pagdating ng on time sa trabaho.

Okey lang naman dumating ng late minsan sa trabaho, pero kapag nadadalas hindi na ito tama. Puwede ring ma-late dahil minsan hindi talaga maiwasan, pero dapat na mag-stay ka pa sa office ng mas mahabang time. Hindi lang para mapunan o bawiin ang kulang mong oras sa trabaho, kundi mahabol mo rin ang deadline na hindi mo agad na gawa.

Kaso sa sobrang late minsan, hindi na ito papasok sa opisina tapos ang ipa-file sa HR ay sick leave para hindi maubos ang kanyang vacation leave.

Meron ding empleyado na ginagamit ang sick days sa angkop sana na layunin, pero ipinagpapalit ito sa vacation leave bilang proxy para hindi nga maubos ang bakasyon. Sinasamantala ang paggamit ng sick leave kahit wala naman talagang sakit.

Madalas ang work ethics ay lumilihis na sa tamang direksyon tulad ng tardiness o sa paningin ng empleyado ay normal na lang ito sa kanya, na reflection kung anong klaseng worker ka ng kompanya.

 

Show comments