Isang paraan upang malampasan ang stage fright ay mag-practice mag-perform sa harap ng audience tulad ng teacher, kaibigan, at lalo na sa hindi kakilala.
Ang madalas na pagkanta sa karaoke ay isang way para ma-overcome ang takot sa pag-perform sa harap ng tao. Ang pagsasanay mo sa pagkanta sa karaoke ay magandang practice. Wala naman nakakakilala o nag-i-expect sa iyo na galingan bumirit sa mga hugot na kanta na binabanatan mo.
Ang best part sa karaoke, may positive score ka agad na makikita sa TV screen pagkatapos mong kumanta. Gaganahan ka lalo kung mataas ang score ‘di ba?
Malilibang ka rin sa iyong pagsasanay sa karaoke dahil nasusundan mo agad sa screen ang tamang lyrics at tono ng kanta. Marami ka rin makikitang visual cue na matutunan ang tamang beat at tiyempo sa pagkanta.
Kapag nahasa ka na sa karaoke, gawing hamon naman na pag-aralan kung paano magbasa ng nota. Makatutulong kung marunong magbasa ng music notes, maliban sa pakikinig ng paulit-ulit ng kantang gusto mong matutunan.