Si Emilio Jacinto ang siyang patnugot ng Kalayaan na opisyal na pahayagan ng Katipunan na ipinalabas din na ang pahayagan ay inilathala sa Yokohama, Japan para iligaw ang paniwala ng mga Kastila. Tinanggap ni Bonifacio ang kanyang kakulangan sa mataas na pinag-aralan at kinilala niya ang kahusayan at katalinuhan ng iba. Tinanggap ni Bonifacio na higit na magaling ang sinulat na “Kartilla” ni Emilio Jacinto kaysa sa sinulat nitong “Dekalogo ng Kalipunan.” Agad ginawang opisyal na panturo ang sinulat ni Jacinto. Simula noon, tinawag na si Jacinto na “Utak ng Katipunan.”