Island of the undead ( 116)

TALAGANG hindi maintindihan nina Miley ang ibig sabihin ni Doktor Larry na ngayon ay isa nang undead soldier dahil minadyik ni Reyna Coreana.

“Ano kaya ang ibig sabihin ni Doktor? Pareho o hindi pareho ang mga tanim?”

“Kailangan ng mabuting explanation. Pero paano ang pag-explain ng isang taong hindi naman makapagsalita? Tango at iling lang ang kayang gawin.”

“Pasulatin kaya natin siya?” Nagkaideya si Miley.

“Pero wala tayong papel, ballpen ...”

“Blizzard ... think! Common sense lang! Dalhin natin sa tabing-dagat si Doktor Larry. Ngayon din. May tabing-dagat naman na malayo sa mga sundalo ng reyna. Dito tayo sa kabilang side ng bundok bumaba para makapunta tayo sa tabing-dagat.”

“Parang alam ko ang gusto mong gawin, Miley. Tama ba ... na sa tabing-dagat ay kayang magsulat o mag-drawing doon si Doktor ... sa buhangin? So maiintindihan na natin siya.” Sumabad si Lorenz.

Napangiti si Miley kay Lorenz. “Buti ka pa, nakuha mo kaagad ang ibig kong sabihin. Yes, Lorenz. Doon sa buhangin, bibigyan lang natin kahit stick si Dok, makakapagsulat o makakapag-drawing na siya ng mga salita o bagay na maiintindihan natin. Then we will know kung paanong pareho na hindi pareho ang mga tanim na panlaban natin kina Reynang masama.”

“Then let’s go! Dalhin na natin sa buhangin ang doctor!” Agad ngang kumilos ang lahat.

Sama-sama sila.

Si Blizzard, kasama. Pero ang sama ng loob. Nakita niya kasi kung gaano kahanga si Miley kay Lorenz. At sa kanya ay nadidismaya.

NASA buhangin na sina Miley.

Nakagawa na ng maliit na stick na pansulat si Blizzard.

“Heto na, Dok. Ano po ang pangalan ninyo? Gamitin ninyo ang stick, isulat ninyo ang pangalan ninyo.”
“Opo, Dok. Ganoon po ang gawin ninyo. Naiintindihan ninyo ang aming mga salita. Ngayon, importanteng malaman natin kung kaya mong magsulat. O kahit mag-stick drawing man lang. Para mas may communication tayo. At baka simula ito ng ating paglaya sa isinumpang islang ito.” Hindi na makapaghintay si Lorenz, gusto nang makapagsulat kaagad o makapag-drawing ang doctor.

Tinanggap ni Doktor Larry ang stick.

Tumingin sa malinis na buhangin. Kinapitan ni Doktora Joanne ang kamay ng asawa.

“Sige na, mahal. Sulat ka na.” Ang sabi ng doktora.

Itutuloy

Show comments