^

Para Malibang

Nabibiktima sa sariling bansa

Pang-masa

Lahat ay nakikisim­pat­ya kay Gloria Ortinez, 56 years old na halos 20 years nang Overseas Filipino Worker, sa kaso nitong lag­lag bala scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Mabuti at nabuking ang modus ng pagtatanim ng bala sa bag kay Gloria dahil naglabasan na rin ang ilang naging biktima ng parehong kaso. Ilan pa kayang OFWs, pasahero, o foreigners ang lulutang na nabiktima ng mga masamang elemento sa NAIA?

Akalain mo sa sarili mo pang  bansa mamalasin ka ng  wala sa oras. Pagkatapos mong tiising iwanan ang sarili mong pamilya at magtrabaho sa ibang bansa, bibiktimahin ka pa ng mga tiwaling pulis na dapat ay nagpoprotekta sa mamamayan ay ipapahamak ka pa.

Nakakahiya sa buong mundo ang masang imahe, kaya pati ang ibang dayuhan at kababayan natin ay nag­lalagay na ng plastic bilang selyo sa kanilang mga bag o bagahe para hindi mabiktima.

Paano na ang kaso ni Gloria, na hindi pa makausap ang kanyang amo dahil hindi pa niya alam ang magi­ging takbo at kapalaran ng kanyang problema. Paano na ang abalang kinakaharap nito? Sino ngayon ang sasagot sa lahat ng gastos, oras, at another booking dahil forfeited na ang ticket niya. Hindi pa kasama ang stress at trauma na dinadanas ni Gloria at pamilya nito.

Nagkalat na ang posting sa social media sa pagbibigay ng warning kung sakaling mabiktima ng laglag bala tulad ng huwag pumayag na pabuksan ang inyong bag kung walang airport police; huwag din pumayag na ikaw mismo ang magbubukas ng bag; kapag may witness na, ang mismong officer ang pakuhain mo ng bala; kung talagang hindi sa iyo ang bala walang makukuhang fingerprint dito.

ACIRC

AKALAIN

ANG

GLORIA ORTINEZ

ILAN

LAHAT

NAGKALAT

NAKAKAHIYA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PAANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with