Ang tainga ay isang organ na dinisenyo para tayo ay makarinig, pero may hangganan lang din ang kaya nitong masagap. Kapag sumobra ang lakas sa dapat na natural na tunog, pakiramdam mo na nagba-buzz na lang ito sa iyong tainga.
May tatlong bahagi ang tainga - ang outer, middle, at inner ear. Ang outer ear ang nakikita nating hugis na tainga sa labas na anyo. Magkaiba naman ang gamit ng middle at inner ears kung saan dumadaloy ang tunog na nasasagap nito paloob pa sa ear drum. May tatlong buto rin ito na tinatawag na stapes, malleus, at incus.
Kapag naglaro ng paikut-ikot ng ilang araw maaaring makaramdam ng pagkaliho dahil ang loob ng ating tainga ay may koneksyon sa direksyon. Kaya may taong hindi makatayo o makalakad ng diretso dahil maaaring may problema sa kanyang tainga.
Nabibingi naman ang pakiramdam natin tuwing tayo ay nilalagnat at minsan ay nawawalan din ng boses. Ang gitnang tainga o middle ear na may tube na Eustachian na konektado sa ating lalamunan.
Kahit tulog na ang isang tao, patuloy pa ring nakasasagap ng tunog ang tainga, pero block out na ang utak. Ang sense of hearing din ang huling gumagana kapag nasa bingit na nang kamatayan ang isang tao.