Maging bilyonaryo dahil sa kandila

Ang salitang candle ay galing sa Latin word na candere na ang ibig sabihin ay to shine o lumiwanag. Ang paglalagay ng kandila sa birthday cake ay nakuha mula sa lumang tradisyon sa pag-aalay ng mga sanggol noong araw.

Ngayon panahon ng Undas, mabenta ang mga kandila hindi sa semen­teryo kundi pati sa mga simbahan o bahay-bahay sa paggugunita ng mga namayapang pamilya.

Mabilis din naman ang paglago ng negosyo ng kandila hindi lang sa bansa, bagkus maging sa buong mundo. Ang pinakamatandang factory ng kandila ay mula sa Rathbornes Candles sa Dublin noong 1488. Halos 96% naman ng mga kababaihan ang bumibili ng kandila.

Habang tumatagal sa pagnenegosyo ng kandila, natutunan ng mga manufacturer na mahalaga rin sa sale ng candle ang mabangong amoy nito na parang candy, kulay, hugis, at pati na rin ang artistic style ng produkto na ginagawa na ring accessories sa iba’t ibang event.

Marami nang gamit ngayon ang kandila, at ginagawa na rin itong panregalo sa iba’t ibang okasyon tulad ng holiday, pang dinner party, o sa may birthday. Ginagamit na rin itong pangparelaks sa simpleng pagsisindi ng kandila para maamoy ang scent na nagtatanggal ng stress.

Kung dati na nabibili lang ang kandila sa tindahan o sari-sari stores, ngayon ay mahahagilap na ito sa mall, supermarket, o drug stores.  Sa U.S. halos inaabot ng 2 bilyon dolyar ang kinikita sa mga pagbebenta lang ng kandila.

Show comments