Mahalaga ang work ethics sa isang kompanya. Bawat empleyado mula CEO hanggang sa lahat ng workers na papasok sa opisina ay dapat laging ginagawa ang magandang work ethic para maging maayos ang takbo ng trabaho. Ang work ethic ay dapat pangunahing pina-practice ng bawat empleyado. May mahalagang katangian para magkaroon ng work ethic:
Integridad - Ang empleyadong may paninindigan ay nakukuha niya ang magandang tiwala sa kanya mula sa kliente, co workers, at supervisor. Umaasa rin ang kliente o customer na ibibigay ng empleyadong representative ng kompanya ang mataas na moral at serbisyo nito. Nagtitiwala rin ang kliente na hindi ito magnanakaw mula sa kanyang kompanya para hindi magkaroon ng problema o gagawa ng masamang isyu.
Responsible – Ang kamalayan sa pagiging responsible ng isang empleyado ay malaki ang epekto sa trabaho at sa quality ng kanyang ginagawa. Kasama sa performance ng worker ang pagdating ng on time, ibinibigay ang kanyang best effort, at tinatapos ang kanyang trabaho o project ng abot ng kanyang makakaya.