Nagtataka ka ba kung bakit may buhok tayo sa ating ulo? Ang bahagi ng ating ulo ay parte lang ng ating katawan na walang taba o fats. Ang buhok sa ating ulo ay parang sumbrero na nagsisilbing pang-init sa ating bunbunan lalo na sa panahon ng taglamig.
Ang buhok din natin ay elastic na kapag nababasa ay nai-stretch hanggang 30% na hindi nasisira.
Ang buhok din natin sa ating ulo, ang pangalawang pinakamabilis na tumubo tissue sa ating katawan, una ang bone marrow. Huwag mag-alala kung nalalagas ang buhok dahil 20 times na tutubo uli ito, maliban lang sa mga lalaking nasa edad na kung saan sila napapanot o nakakalbo na.
Karaniwan ang buhok sa ulo ng isang tao ay mayroong 100,000 hangang 150,000 strands, kaya huwag mag-alala kapag may isa o dalawang nalagas kapag ikaw ay nagsusuklay.
Hindi lang sa ulo tinutubuan tayo ng buhok, kundi sa lahat ng parte ng ating katawan. Bukod tanging ang parte ng ating talampakan, labi, talukap ng mata, at palad na wala tayong tumutubong buhok. Karaniwan ang isang tao ay may 5 milyon hair follicles sa ating buong katawan.
Matibay din ang ating buhok sa ulo na kayang suportahan ang 10 hanggang 12 na tonelada na katumbas ng dalawang elepante.