Sa paggunita ngayon Undas, maging maagap sa paghahanda para maiwasan ang abala o sakuna. Kung pupunta sa sementeryo mas magandang dumalaw agad sa umaga bago dumating ang Nov. 1 para makaiwas sa maraming tao. Siguraduhin munang nakasarado o lock ang bahay bago umalis.
Alamin din muna ang ruta ng sementeryong pupuntahan.
Ngayon pa lang ay ipinapaalala na sa mga tao na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga alak at matatalim na bagay sa loob ng sementeryo. Hanggang maaari huwag na rin magsama ng bata dahil puwede itong mawala kapag nalingat sa inyong atensyon.
Magdala naman ng payong, tubig, face towel, pagkain, at pamaypay. Kapag nagdala ng sasakyan, i-park ito malapit sa guwardiya o police station para makaiwas sa carnapping. Magsuot din ng damit na presko para hindi kayo masyadong mainitan lalo na ang mga kasama ninyong bata.
Sa pag-alala ng mga namayapa nating pamilya, maging safe at mas protektahan din naman natin ang mga nabubuhay na nilalang.