Suko na sa mga lalaki

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Susie, 25 at dalaga pa. Masyadong bad ang karanasan ko sa mga lalaki. Anim ang naging bf ko at lahat sila ay manloloko. Na-realize ko na iisa lang ang gusto ng mga lalaki sa babae. Kapag nakuha na nila ang gusto nila ay iiwanan ka na. Dahil dito naging man hater ako. May nanliligaw sa akin na parang type ko, pero pinipigilan ko na ang sarili ko para huwag na muling mabigo. Tama ba ito?

Dear Susie,

May mga lalaking ang tingin sa babaeng agad isinusuko ang pagkadalaga ay easy girl. Bigyan mo ng dinignidad ang sarili mo at kahit nakikipag-bf ka, huwag mong agad isusuko ang iyong pagkababae. Kung talagang mahal ka ng lalaki, kahit hindi mo ibigay ang sarili mo ay hindi ka niya iiwan. Kaya huwag lang puso ang iyong pairalin, gamitan din ang isip sa pakikipagrelasyon.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments