Nakipag-away kay Jesus

Panaginip: Ano po ang ibig sabihin na inaway ko si Jesus. Nasa beach kami ng barkada, gabi at may bonfire. Lumaki ang lingas ng apoy. Biglang naging wild ang mga tao sa paligid kasama na ako. Biglang nagpakita si Jesus. Hinamon ko ng suntukan si Jesus at nasuntok ko siya sa mukha. Nagising akong nagsisisi sa aking ginawa. - FR

Interpretation: May kinikimkim kang galit na hindi mo mailabas. At mukhang may drama ka na sinisisi mo ang Diyos sa mga nangyayari sa iyo. Ang malaking apoy ay simbolo ng “impiyerno”.  May pakiramdam ka na impiyerno ang buhay mo ngayon dahil sa dami ng iyong problema.

 

Show comments