Ang unang gagawin kapag napaso ang balat ay patuluan ito ng tubig sa gripo ng 10 minutes. Huwag lalagyan ng yelo dahil lalo itong magpipintos o lolobo ang balat. Pagkatapos ay pahiran ito ng alinman sa mga sumusunod:
1-Pahiran ng dinurog na hinog na papaya. Takpan ng bandage. Nagpapabilis ng paggaling. Hintaying matuyo ang papaya sa balat. Saka tanggalin.
2-Aloe Vera. Hugasan muna ito. Hiwain. Ang gel nito ang ipahid sa napaso.
3-Vitamin E capsule. Buksan ang capsule at ipahid sa balat ang laman nito.
4-Full fat milk or yogurt. Ipahid sa napaso. Pantanggal ng hapdi.
5-Suka. May acetic acid na pipigil sa pamamaga, panghahapdi at pangangati.
6-Vanilla extract. Kumuha ng bulak. Lagyan ng vanilla at ito ang idampi sa napaso. Ang alcohol na taglay nito ang magtatanggal ng hapdi.
7-Mint toothpaste.
8-Puti ng itlog—Ito ang magtatanggal ng hapdi. Sinasabing gagaling ang napaso sa isang beses na pagpapahid ng itlog.
9-Aluminum foil. Ang side na makintab ang idikit sa balat na napaso sa pamamagitan ng bahagyang pagdiin ng daliri. Hayaang nakadikit ang foil ng 30 minutes to one hour.
10-Pahiran ng langis ng niyog.