100 Greatest Cooking Tips (5)

22-Paano malalaman na husto na ang init ng mantika para pagprituhan? Kumuha ng wooden spatula o kung wala, barbecue stick. Isawsaw sa mantika. Kung may bubbles na makikita sa paligid ng spatula or stick, senyales ito na tama na ang init ng mantika para pagprituhan.

23-Laging ilayo sa direksiyon mo ang mahabang handle ng kaldero o kawali habang nagluluto. Minsan, sa pagmamadali, ito ay nababangga at nahuhulog sa stove.

24-Paano magiging maganda ang pagdikit ng asukal sa banana cue? Maglagay ng tubig sa spray bottle. Habang hinahalo ang saging na may asukal sa kawali (deep-fat frying), ispreyan ito ng tubig. Ipagpatuloy ang paghalo. After 10 minutes, mag-isprey ulit ng tubig.

25-Kung gusto mong mabawasan ang anghang ng sili, tanggalin ang buto nito bago ihalo sa pagkain.

26-Gumawa ng Quick Vegetable Salad: Paghaluin ang suka, asin at asukal. Ito ang ihalo sa hilaw na gulay – letsugas, pipino, kamatis, etc. Kainin kaagad. Mas masarap kung ang salad vegetable ang gagawing palaman sa tacos. Dagdagan ng grated cheese or ginisang giniling na beef. (Itutuloy)

 

Show comments