*Oi hindi ko ipagpapalit ang nanay ko na siyang istrumento para isilang ko sa mundong ito. Ang dyowa marami ka pang makikita. Si Inay, iisa lang at hindi napapalitan. – Muntinlupa, Grace
*Luv na luv ko ang bf ko. Hindi lang maintindihan ni mama ang trip ko. Sana pagbigyan ko ni mama sa nobyo ko. Hindi ko naman pinababayaan ang studies ko. 16 years old na ko, at first time kong magdyowa. Kaso hindi buto si mama. Hayss ano ba gagawin ko. – Bicol, Weng
*Marami nang nagsisisi dahil mas pinili nila ang luv luv nay an. Oh ‘di luhaan sila sa bandang huli. Akala mo lang kontrabida ang mga parents, pero ang kapakanan mo lang ang iniisip nila. Kaya dapat makinig sa payo nila tatay at nanay. I trust them at hindi ko sila ipapagpalit kht kaninong lalaki noh! - Hong Kong, Jane
*Siyempre iba na ang panahon ngayon, kahit pa sabihin na may experience na ang parents natin, hindi naman ibig puwede na rin nilang diktahan ang nararamdaman natin ‘di ba? – Leyte, Sharon
*Honor thy father and thy mother, hindi iyan nagbabago komo may edad ka at may trabaho. Gusto lang nila ang the best para sa iyo. So listen to them guys. Para may blessings ka rin at hindi ka magkamali ng makakasama mo forever. – Bacolod, Kathleen