FYI
Sa pagkakapiit ni Jose Rizal sa Dapitan, mas lalong ginising nito ang isipan at damdamin ng mga Pilipino. Nagkaisa ang mga Pilipino sa tulong ng Kilusang Propaganda maging sila ay Bisaya, Ilocano, at Tagalog pero pinanindigan nila ang pagkakabuklod bilang pagiging matapat sa bansa. Nabigo ang grupong Pilipino sa mapayapang paraan. Inakala ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na ang kailangan nila ang marahas na pakikipaglaban sa Kastila. Kaya nagkaroon ng madugong himagsikan sa hinihingi nilang pagbabago para sa bayan.
- Latest