Ang katawan ng tao ay kamangha-manghang masterpiece na ginawa ng Panginoon. Ang bawat cell, nerve, muscle, at buto ay dinesenyo na magtrabaho na may koneksyon sa isa’t isa. Ang bawat cell din bagamat komplikado ay angkop na parang piyesa ng isang machine.
Ang utak ay siyang nagdadala ng mensahe sa iba’t ibang bahagi ng katawan; ang circulatory system ay nagdadala sa organ ng life-sustaining fluid; ang respiratory system naman ay nagbibigay sa mga cells ng oxygen. Kapag lahat ng function ay nagtrabaho ng maayos, ang katawan natin ay kaya ding gumawa ng pambihirang bagay.
Pero kapag merong humadlang o humaharang sa natural na proseso ng katawan tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot o alcohol na ang dapat sanang magandang pangangatawan at mental na kondisyon ay masisira na maaaring mauwi sa malubhang pinsala o kamatayan.
Kaya mahalaga rin ang taunang medical check-up na requirement din kapag nag-a-apply ng trabaho na ginagawa ng mga kompanya. Mati-trace kasi sa sistema ng katawan ng tao kung may alcohol at illegal drugs sa kanyang sistema. Para malaman agad kung pasado siya physically at mentally para makaiwas sa posibleng aksidente at problema ng ibang workers at kompanya.