Paano nagiging adik sa serbesa?
MANILA, Philippines - Ang sobrang pag-inom ng alak ay isa rin sa may pinakamalaking bilang ng addiction sa buong mundo. Sa Amerika pa lang, mahigit 10 milyong katao na ang nai-report na adik sa paglaklak ng alak. Sa milyong kataong sinasabing alcoholic, hindi pa kasama sa statistic ang ibang indibiwal na marunong itago ang kanilang addiksyon sa alak. Sa U.S. din ay may 20,000 ng taong naaaksidente sa daan dahil ang mga mismong driver ay lango sa alak.
Katulad ng ibang sedatives, ang alcohol ay sumisira sa mental na proseso ng utak kung saan dahan-dahan bumabagal at nasisira rin ang organisadong pag-iisip ng isang tao. Sa puntong ang alcohol ay nagbibigay ng pakiramdam ng euphoria, ito ay isang klase ng delusyon na kung saan nagsisimula na itong mangulit na feeling masaya ang kanyang pakiramdam, dahil sa lakas ng tama na epekto kapag nasobrahan na ang pagtoma sa umpukan ng barkada.
Mas maraming nainom ng alak mas nawawalan ng kontrol ang utak kaya ito ay pasuray-suray at bumabagal na ang kanyang pakiramdam. Nawawala na rin ang pokus ng mata at nakararamdam na ng pagkaantok. Hindi na rin makuhang makapag-isip at nagbabago na rin ang mood dahil sa nararamdamang ilusyon kaya nagsisimula na rin itong magiging magagalitin. Kapag tuluy-tuloy ang pag-inom tuluyan nang nawawala ang kontrol ng katawan at maaaring mauwi ito sa coma.
Kaya naman kinabukasan pagkatapos ng sobra-sobrang pag-inom ay nakararamdam ng sobrang sakit din ng ulo at sira ang iyong tiyan na tinatawag na hangover. Ang addiction sa alak ay nagsisimula lang sa patagay-tagay, paisa-isang shot, o kahit minsanan lang na pag-inom. Ang addict na talaga sa alak ay nakararamdam ng matinding muscle cramps o pulikat, nagchi-chill, insomnia, at hindi natutunawan kapag hindi sila nakakainom. Nagiging biolente at ang lakas ng tama o topak sa isipan kahit hindi naman lasing o hindi nakainom. Kapag nagsimula ka nang hanapin ang lasa ng serbesa diyan na nagsisimula ang addiction na akala mong paminsan-minsan lang na tagay ng alak. Kaya ang bilin ni Haring David sa anak na si Haring Solomon na huwag titikim ng alak dahil ang sinumang naloloko ng alak ay hindi matalino.
- Latest