Ang lens sa ating dalawang mata na nag-uugnay mula sa retina ay nakapokus sa visual image sa bagay na ating tinititigan. Ang retina ay maliit na tissue sa likod ng ating mga mata. Ang mga cells sa ating retina at nagre-react sa liwanag na ating naaaninag. Marami pang nerve na nakadugtong sa retina tulad ng rods na siyang gumagana kapag maliwanag ang ating paligid maging ito ay black o gray na kulay na ating nakikita. Meron ding tinatawag na cones, isang nerve na responsable sa ibang kulay. Ang rods at cones nerves ay nagbabago depende sa liwanag na natatanggap ng mga nerve sa pinadadalang mensahe mula sa utak sa pamamagitan ng optic nerve. Ang bahagi ng ating mga mata ay iris, pupil, lens, at sa likod ng mata ay mayroong retinal blood vessels at optic nerve fibers.