Akala ng mga magulang ang pakiki-bonding sa kanilang anak ay nung mga baby lang ang mga ito.
Bakit naman yung nag-aampon may kasong nagtatagpo lang ang foster na magulang nung malalaki na ang mga bata. Pero nagkakaroon pa rin sila ng malalim na bonding.
Nagkakataon lang na habang lumalaki ang mga anak ay nagkakaroon din sila ng sarili nilang mundo. Sariling kaibigan at lumalawak din ang ginagawalan nilang mundo. Ang magulang naman ay nakararamdaman na siya na ang naiiwan ng mga anak kapag nagbinata o dalaga na ang mga anak.
Kung hindi magkatagpo ang iyong mga schedule, ikaw mismo ang gumawa ng paraan para makasama ang mga bagets. Komo nagkakaedad na sila hindi ibig sabihin ay hindi na nila kailangan ang presensiya mo.
Tandaan hindi pa huli ang lahat, puwede ka pang magtayo ng tulay para maabot mo ang iyong mga anak. Marami pang oras para makasama at mabuo muli ang taling nagbibigkis at namamagitan sa inyo ng mga bata.