Am ang tawag sa sabaw ng kumukulong sinaing na kanin. Kukunin mo ito habang kumukulo ang kanin. Kung kukuhanin ang am, delikadong mahilaw ang kanin, kaya ang suggestion, dagdagan ang tubig na ihahalo sa bigas. Halimbawa, isang tasang am ang plano mong bawasin, pasobrahan ng isang tasang tubig ang isasaing na bigas.
1-Nagpapagaling ng constipation. Ang starch ng bigas ay nagpapalakas ng good bacteria sa tiyan. Ito ang magpapaluwag sa daloy ng dumi palabas sa katawan.
2-Ipinaiinom sa nagtataeng sanggol para manumbalik ang energy. Pinapalitan ng am ang tubig na nawala sa katawan ni Baby dulot ng pagtatae.
3-Nagtatanggal ng pangangati dulot ng eczema ang starch ng bigas. Palamigin sa refrigerator ang am. Basain ng cold am ang malinis na cotton cloth. Ito ang idampi nang marahan sa affected area.
4-Ginagamit bilang conditioner. Pagkatapos mag-shampoo, imasahe ang am (pinalamig) sa buhok. Banlawan. Nagtatanggal ng pangangati ng anit, nagpapalago, at nagpapabilis ng paghaba, at nagpapakintab ng buhok.