Ang kamay natin ang may pinakakumplekadong bahagi ng ating katawan. Ginagamit natin ang dalawang kamay sa halos lahat ng bagay mula sa simpleng pagsubo kapag tayo ay kakain, magsusulat, magti-text hanggang sa ating mga trabaho.
Ang hinlalaki ay kinokontrol ng siyam na magkakahiwalay na muscles, na kontrolado naman ng tatlong malalaking nerve ng ating kamay.
Sa muscles kumukuha ng lakas ang ating mga daliri. Ang ilang malalakas na tao ay kayang buhatin ang sarili paakyat gamit lang ang mga muscle sa dulo ng daliri.
Halos 90% ng mga kababaihan at 90% naman ng mga lalaki sa edad na 75-79 ay mas nakikitaan ng osteoarthritis sa kanilang mga kamay.
Wala mang pakiramdam ang ating mga kuko, pero ang laman sa ilalim ng cuticle at nerve nito ay nakasasagap ng pakiramdam na dinadala sa dulo ng kuko. Ang utak ang nagsasabi sa nerve ng pressure papunta sa mga kuko ng ating kamay. Sa tuwing maggugupit ka naman ng mga kuko ay nagbabago ang pakiramdam sa gilid ng ating mga daliri.
Ang motor cortex sa ating utak ang nagkokontrol sa paggalaw ng ating katawan, pero may bahagi rito na responsable lang sa muscle ng ating mga kamay.
Unique naman ang ating palad na walang buhok na tinatawag sa medical term na glabrous. Hindi rin nangingitim ang ating mga palad. Dahil walang melanin sa parte ng ating palad. Ang melanin ay ang skin pigment na responsable sa pangingitim ng ating balat. Malakas man ang ating palad pero ito napakasensitibo.
Mas marami namang black na tao o tinatawag na negro ang may extra daliri, kapag ipinapanganak kesa sa ibang lahi.