Noon pa man uso na ang paggamit ng mga alyas ng mga manunulat. Tulad nina Marcelo Del Pilar na ginamit niyang ibang pangalan ay Plaridel at Dolores; Jose Rizal bilang Laong-Laan at Dimasalang; Antonio Luna as Taga-Ilog; Mariano Ponce sa pangalang Naning at Tikbalang; at Jose Marina Panganiban bilang Jomapa. Ginamit nila ang ibang pangalan habang nagsusulat sila sa pahayagan ng La Solidaridad na naglalaman ng repormista o propagandista. Unang lumabas ang pahayagan noong Pebrero 15, 1889. Sa pamamatnugot ni Graciano Lopez Jaena hanggang Disyembre 15, 1889, nang si Marcelo H. Del Pilar naman ang sumunod na patnugot. Ipinahayag nila ang pagmamalabis at maling pamamalakad ng mga Kastila at prayle sa Pilipinas.