Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Poleen, 26, single. May dalawa akong manliligaw. Isang 24 yrs. old at 40 years old na biyudo. Pareho ko silang gusto pero parang mas matimbang sa akin yung 24 years old. Of course may kapintasan din siya like isip-bata at seloso. Sa call center s’ya nagtatrabaho. Yung biyudo naman ay negosyante at isa lang ang anak na 12 years old na. Maalalahanin siya at very mature. May nadarama rin akong attraction sa kanya. Kaya naguguluhan ako sa pagpili sa kanila. Dapat ko bang sundin ang puso ko at piliin young 24 years old o maging practical ako?
Dear Poleen,
Mahalaga ang pag-ibig sa pagpili ng lalaking makakasama sa habambuhay. Pero ito’y dapat maging mutual at hindi ikaw lang ang nagmamahal. Ikonsidera mo rin ang kanyang ugali dahil baka may asal pala siya na sa dakong huli ay hindi mo matagalan, mamamatay din ang pag-ibig. Magiging financially stable ka ba sa kanya? Compatible ba kayo? So, i-evaluate mo sila pareho at kilalanin pang mabuti saka piliin ang karapatdapat. Guidelines lang ang mga ‘yan dahil ikaw pa rin ang magdedesisyon sa dakong huli. ‘Wag kang magmadali.
Sumasaiyo,
Vanezza